Ginang at
Ginoong Revilla,
Ako’y isang
mag-aaral na nagmula sa St. Paul College of Paranaque. Ako’y kasalukuyang nasa
ika - walong baiting. Kaya ko ho itinagalog ang aking mungkahi ay sa kadahilanang
maipahiwatig ko ng maliwanag ang aking saloobin.
Ako’y isang
batang Pilipino na gustong magkaroon ng isang magandang kapaligiran, isang mapayapang
mundo.
Ang ating
mundong tinatayuan at ginagalawan ay isang natatanging biyaya ng maykapal sa
bawat isa. Ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ang kanyang likha. Tayo ang dapat na
nangangalaga nito ngunit kaysa mapangalagaan ito ay tayo pa mismo ang sumisira nito.
Ako ho ay
nababahala sa mga nangyayari sa ating kalikasan. Natural lang ho mangyari ang
mga kalamidad, ngunit ang mga nangyayari ngayon ay iba na.
Ang
ating bansang Pilipinas ay napakaganda,
pati ang mga dayuhan ay natutuwa rin sa kagandahan ng ating bansa at sa mga tao na naririto. Maraming mga magagandang tanawin at puno ng likas na yaman. Ngunit
ngayo’y puno ng usok sa paligid, mga ilog na puno ng basura.
Maynila, ito
ang puso ng Pilipinas. Noo’y napaka sarap ng simoy ng hangin, ngayo’y wag kang magkakamaling iwan ang iyong panyo dahil
sa nakaka-ubong usok na galing sa mga
sasakyan at sa mga factory, dati’y nakaka langoy pa ang mga bata sa mga ilog
ngunit ngayo’y hindi mo matiis ang baho nito dahil sa basura. Tumingin ka sa
paligid at makikita’y karamihan semento at kaunting mga puno.
Ang Maynila,
at ang iba pang lugar sa Pilipinas ay madalas ng bahain. Noong nakaraang
bagyong Ondoy nakita niyo kung gaano kapinsala ito. Ang pagbahang ito ay dulot
ng mga basura na naka bara sa mga daluyan ng tubig. Ang mga Pilipinong
nagtatapon ng maliit na basura kung saan saan sa pag-iisip
na “Kaunti lang naman ito” Kaunti nga, pero Ikaw lang ba ang nagtatapon? Billiong
mga tao ang nagtatapon at pag-ito’y pinagsama-sama ang resulta ay pagbaha sa mga lugar.
Ang mga ilog
dito sa Maynila ay tuluyan na ring nawawala dahil sa pollution. Pero kahit
papano merong mga mababait na tao na tulong-tulong na ibinabalik ito sa dating
buhay. Meron ding mga estero sa Maynila na tuluyan ng nawala dahil sa mga
buildings na itinatayo at dahil sa mga squatters na gumagawa ng bahay sa mga
estero.
Ang sikat na
Manila Bay ay nasisira na rin dahil sa mga pasaway na taong nagtatapon doon ng
mga basura, mga manhid at selfish na tao dahil hindi man lang nila iniisip kung anong
maaring mangyari sa kanilang ginawa, maaaring makain ng mga isda ang
mga plastic na itinatapon sa dagat sa pag-aakalang ito ay pagkain. Ang lahat ng
ating ginagawa ay kabit-kabit kung kaya’t sana’y pag-isipan muna natin ito.
Meron akong
napanood na dokumentaryo na ipinakita ang mga taon kung kalian mawawalan ng
malinis na tubig, mauubos ang mga lamang dagat, mawawalan ng kuryente, atbp.
Ako’y lalong nabahala. Sa Maynila puno na ng mga basura at mga pollution, paano pa kaya sa ating mga
probinsya? Sa iba pang mga bansa?
Sa probinsya
mas tahimik at presko. Ngunit may kaakibat ring mga problema. Ang mga likas na
yaman natin ay matatagpuan sa ating mga probinsya. Maraming bundok, puno, sapa.
Ngunit may mga taong illegal na pinakikinabangan ang ating mga yaman. Sana’y
magawan niyo ng paraan na ipatigil ang mga minahan ng mga kumpanya sa ating mga
bundok, dahil maraming mga bundok ang nakakalbo na.
Sa Mindanao,
nagimbal tayo sa nangyari sa kanila ng dumating ang bagyong “Sendong”. Ang
Mindanao ay hindi madalas daanan ng bagyo ngunit nagulat tayo at ang mga taga CDO. Maraming
namatay. Kung hindi kalbo ang mga bundok, kung may mga puno pa roon hindi sana mangyayari ang trahedyang iyon.
Sabi nga ng isang residente doon kung hindi titigil ang mga minero sa pag mina
baka sa susunod na magkaroon ng pag-ulan sa lugar nila baka’y wala ng mabuhay
sa kanila.
Ang mga puno
naman ay unti-unti na ring nauubos. Ang
mga puno ang sumisipsip sa tubig, kaya’t malaking tulong ang mga ito
pag may pag-ulan at pag bagyo. May mga taong illegal na
pinuputol ang mga ito at hindi man lang pinapalitan. Ang pagputol ng puno ay
hindi masama kung ito’y iyong papalitan, upang sa habang panahon ito’y tutubo ulit at
magiging malaking tulong para sa susunod na henerasyon.
Sa ngayong
may oras pa sana’y magawan niyo ng paraan sa madaling panahon at sana’y wag
niyong hintayin ang panahong huli na ang lahat.
Lubos
na gumagalang, Ma. Issabela J. Villalino